October 17, 2010

Tumatakbo

Siguro minsan, kailangan talagang tanggapin
Na mag-iisa tayo, ilang parte sa buhay natin.
Minsan kailangan umopo at tumabi.
Nakakatulong rin pag walang pag sabi.
Kung nakakasama man,
Minsan lang naman.

Nagbibingi-binghan at bulag-bulagan.
Siya naman panay ang pagtatanga-tangahan.
Minsan ramdam mo yung ka-emohan.
Saklap kasi talagang kailangan.
'Di mo man trip walang kasama,
Minsan lang naman.

No comments: